COMELEC, nanawagan sa mga kandidatong ipa-register na ang mga socmed accounts

Nanawagan si COMELEC Chairperson George Erwin Garcia sa mga kandidato na iparehistro na ang kanilang mga social media accounts na gagamitin sa pangangampanya para sa 2025 midterm elections kung wala talaga silang balak na manggulang o magcommit ng ethical violations.

Ito ay upang mamonitor ng Comelec ang kanilang mga ikinikilos ng mga kandidato lalo na sa paggamit ng social media influencers.

Ayon kay Garcia, kung sakaling gamitin ang mga ito para manira ay agad nilang ipapatanggal ang content sa mga social media platforms.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Giit pa ni Garcia, hindi nila papayagan ang pang-aabuso o panggugulang sa pamamagitan ng social media.

Kung sakali naman na makipagmatigasan at ayaw magregister ng social media accounts ang isang kandidato, pwede siyang disqualify at kasuhan ng election offense na may isa hanggang anim na taong pagkakakulong.

Kaya mas maigi na raw na sumunod sa patakaran para masigurong pantay pantay ang lahat kung bakit nila ginamit ang social media.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa ngayon ay 62 na ang nagparehistro ng kanilang social media accounts at inaasahan na nilang madadagdagan pa ito lalo na pagmalapit ang kampanyahan.

Ayon kay Garcia, hindi pa raw makapagparehistro ang iba dahil baka disqualify sila at kanselahin ang kandidatura pero handa na ang kanilang Education and information department para tanggapin ang application for registration ng mga kandidato.