Comelec nanawagan sa bawat isa na itaguyod ang isang mapayapang BSKE

CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Commission on Elections sa bawat isa, botante man o kandidato na itaguyod ang isang maayos at mapayapang Barangay at Sangguninag Kabataan Elections na ginaganap ngayong araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Election Officer III Annelyn Abanes naglabas ito ng mga last minute instructions para maging maayos ang botohan.

Nagbukas ang mga presinto kaninang alas 7 ng umaga at magtatapos ang botohan ng alas tres ng hapon.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Pinayuhan ni Abanes ang mga botante na tingnan ang kanilang pangalan sa Posted Computerized Voters List o PCVL o kaya ay dumulog sa desk ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para matulungang hanapin ang kanilang pangalan sa listahan.

Pwede ring tingnan ang pangalan online sa Comelec precinct finder.

Nagpaalala rin ang Comelec sa mga watcher ng kandidato na iwasang makipag usap sa mga botante at sa Electoral Board.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings

Kung may mga nakitang lapses sa pagsasagawa ng halalan ay maaaring sumulat ang watcher sa Electoral Board.

Ang mga kandidato naman na may pending disqualification case ay hindi ipoproklama sakaling manalo sa halalan. Mayroon kasing mga kandidato na nahaharap sa reklamo ng iba’t ibang paglabag tulad ng vote buying, premature campaigning at ang iba naman ay nag file pa rin ng Certificate of Candidacy kahit mayroon nang perpetual disqualification from holding public office.