CAMARINES NORTE – Handa na ang mga volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible voting PPCRV para sa kanilang election duty.
Kahapon ay ginawa ang send- off ceremony sa mga PPCRV volunteers sa iba’t- ibang simbahan ng Diocese of Daet dito sa Camarines Norte.
Sa Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Jose Panganiban, pinanumpa at binasbasan ni Father Rogelio Yarte Jr., Parish Priest at Diocesan Lay Coordinator ang mga volunteer ng PPCRV.
Pinangunahan naman ni Father Noel Domingo, Parish Priest ng Paroquia De Nuestra Senora De Candelaria sa Paracale ang pagsusugo sa mga PPCRV volunteers.
Kasabay naman ng send- off ceremony ay nagsagawa rn ng final briefing sa mga PPCRV volunteers sa Parish of St. Francis of Assisi na pinagunahan naman ni Father Philip Ibasco.
Pagkatapos naman ng ikalawang misa ng linggo ginawa ang send -off ceremony ng mga PPCRV volunteer sa Parokya ng San Rafael Arkanghel at sila ay binasbasan ni Father Armando Orido.
Sa kaniya namang homily hinimok ni Fr. Orido ang mga botante na lumabas at bomoto.
Nagpaalala rin ito na sa pagboto ay isipin ang kapakanan ng Barangay kaysa sarili.
Samantala, nabawasan ngayon ang mga volunteer ng PPCRV ngayong BSKE.
Kumpara noong May 2022 national elections na may mahigit 3,000 volunteer sa buong Diocese ngayon ay halos kalahati na lang nito makaraang kumandidato ngayong BSKE ang kanilang mga volunteer.
