Comelec nagpalabas na ng notice para sa final testing and sealing ng mga vote counting machine

Nagpalabas na ng notice ang Commission on Elections para sa Final testing and sealing ng mga Vote Counting Machine (VCM).

Sa bayan ng Basud ay pinadalhan na ng sulat ng Comelec ang lahat ng registered political parties, paty list, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), mga kandidato, Electoral Boards at mga DESO Technical Support staff.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ito ay upang saksihan ang pagsasagawa ng testing ang sealing sa May 3, na magsisimula alas 9 ng umaga.

Ang Deploment ng mga VCM naman ay sa May 2 at sabay- sabay itong ide- deliver sa 26 na designated official voting centers sa naturang bayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ang paanyaya ng Comelec na saksihan ang final testing and sealing ay alinsunod sa section 52 ng Comelec resolution No 10727.

Sa araw din ng pag deliver ng mga VCM ay magdedeploy na ng mga kapulisan sa iba’t- ibang barangay.