Taas sa sahod na inihihirit ng mga manggagawa hindi pa sinang-ayunan ng mga employer sa Public Hearing kahapon

NAGA CITY- Tataas na ang minimum na sahod o hindi pa? Kung tataas ilan ang kaya?

Dito umikot ang mga katanungan sa nangyaring Public Hearing na pinangunahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board- Bicol na ginanap sa Naga City sa posibilidad ng pagtaas ng arawang sweldo sa Naga City, Camarines Sur at Camarines Norte.

Matapos na ipresenta ng board ang estado ng economic progression at ano na ang nangyari sa sahod ng manggagawa nagkaroon ng workshop kung saan magkakagrupo ang mga manggagawa sa kabilang grupo naman ang mga nasa management sector o mga employer.

Lumabas sa pag-uusap ng mga nasa labor sector, kailangan umabante na mula sa P310.00 , nasa P400 ang average habang ang iba nagsabing pwede na ang P65.00 lamang na itataas basta kaya at totoo.  May mga humirit rin na P500.00 at P750.00 ang minimum na sahod.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sumagot ang mga negosyante, ang hirit nila huwag muna ngayon dahil bumabangon pa lamang sa pandemya at nagdaragdag din ng empleyado o nabibigyan ng trabaho. Inirepresenta ni Metro Naga Chamber of Commerce and Industry President Mario Villanueva ang mga negosyante sa Naga , mataas aniya ang bayarin para makareoperate mainam kung pakatapos na ng eleksyon ayon sa kaniyang mga kasamahan.

Ayon naman ni Lito Quindara ng Camarines Norte, kung nalulugi ang mga negosyante naghihingalo rin ang mga empleyado.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Subalit nag init pa ang usapan noong sumagot pa ang nasa business sector , negosyante mula sa Camarines Sur,  ayon sa  may-ari ng isang resort kaya nilang itaas pa kahit sa P750.00 iyon ay kung bababa ang mga bayarin pati ang buwis o hindi na sila magbabayad ng buwis. Antayin aniya ang pakatapos ng eleksyon hindi rin kasi aniya sapat ang hanggang P65.00 na increase. Pakatapos ng halalan baka maging malinaw ang pagbabayad nila ng buwis at iba pang expences.

Sa huli sinabi ni DOLE Regional Director Zen Campita na pag-aaralan ang lahat ng mungkahi at bago matapos ang Mayo may wage order na.