COMELEC nagpaalala sa mga kumandidato hinggil sa pagsusumite ng SOCE

CAMARNES NORTE -Muling nagpaalala ang Commission on Elections sa mga kumandidato sa katatapos lang na National and local election hinggil sa pagsusumite ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa panayam ng Brigada News FM Daet Kay Election Officer III Larievic O. De Guzman ng COMELEC Labo, ang deadline ng paghahain nito na ibinigay ng COMELEC ay hanggang June 08 alinsunod sa kanilang calendar of activities.

Ayon sa opisyal,  Susog sa Omnibus Election Code ang paghahain ng SOCE ay obligasyon ng mga kumandidato tatlumpung araw matapos ang eleksiyon

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kailangang ilakip sa SOCE ang mga supporting documents tulad ng mga resibo at disbursement books kasama ang 5 percent creditable withholding tax on purchasing of goods and services sa panahon ng kampanya.

Limang kopya ng SOCE forms ang dapat ma- accomplish ng kandidato, tatlo ay isusumite sa komisyon, isa sa notary public at isang personal copy. Available din ang SOCE forms sa website ng Comelec.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nagbabala rin ang opisyal na maaaring pagmultahin at kasuhan ng election offense ang mga mabibigong makapaghain ng SOCE.

At kapag tatlong beses na umanong hindi naghain ng SOCE ang isang kandidato ay posible itong mawalan ng karapatang bomoto.

Ipinaalala rin nito, na maging ang mga kandidatong hindi pinalad nitong eleksyon ay obligadong magsumite ng SOCE