COMELEC, naghain na ng subpoena sa farm ni Alice Guo sa Bamban, Tarlac

Inihain na ng Commission on Elections (Comelec) ang subpoena laban kay suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ay kaugnay ng preliminary investigation na isinasagawa sa reklamong misrepresentation o pagsisinungaling sa isinumite nitong certificate of candidacy.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Dinala ang subpoena sa Virgen Delos Remedios Farm sa Bamban, Tarlac, pero tumanggi ang mga tauhan dito na tanggapin ang subpoena.

Matapos ito ay natungo sa Office of the Mayor ang Comelec para isilbi ang subpoena.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Tinanggap naman ito ng secretary Acting Mayor.

Hindi umano nito sigurado kung paano niya ito maipararating sa alkalde.

Ayon sa mga staff nito – wala na silang komunikasyon kay Guo.
#