COMELEC Naga, pabor sa pagregulate sa mga social media accounts ng mga kandidato

NAGA CITY – Sinang-ayunan ng Commission on Elections (COMELEC) Naga ang isinusulong ng COMELEC Central Office na pag-regulate sa mga social media account ng mga magkakandidato sa 2025 National and Local Midterm Election.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Maico Julia Jr, Election Officer III sa nasabing lungsod, sinabi nitong mas makabubuti kung magkakaroon ng mahigpit na monitoring ang bawat local comelec offices sa mga social media account ng mga kandidato upang maiwasan ang pagkalat ng fake news, pagkakaroon ng patas na pangangampanya at makita rin nila kung sumusunod pa ba ang mga ito sa mga patakaran at regulasyon tuwing campaign period.

Read More:  Four CPSU graduates enter 2026 LET top rankings
Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Matatandaan na nauna nang isinulong ni COMELEC Chairman George Garcia ang pagbawal sa paggamit ng artificial intelligence (AI) at deepfakes bilang campaign materials na maaaring maging dahilan ng hindi patas na pangangampanya. Sa kabilang banda, naniniwala naman si Atty. Julia na malaking kabawasan sa basura ang paggamit ng social media bilang campaign platform.