Collection money ng isang microfinance sa Mulanay, nagastos umano ng collector sa online sabong

Arestado ang isang microfinance collector matapos diumano magastos nito sa online sabong ang collection money ng kanyang pinagtatrabahuhan sa Mulanay, Quezon nitong Lunes, Hunyo 3.

Ayon sa report, nagtungo pa ang suspek sa himpilan ng Mulanay Municipal Police Station at nagpanggap na siya umano ay na-holdap ngunit nakitaan ito ng inconsistencies ng mga awtoridad.

Read More:  Police officer seriously injured after vehicle crashes into checkpoint Misamis Occidental

Samantala, sa huli ay inamin din naman ng suspek na intensyonal nitong itago ang nasabing collection money na nagkakahalagang mahigit ₱166,000.

Read More:  Classes suspended at Negros school after shooting threat spreads online

Nitong hatinggabi ng Hunyo 4, narekober na ang bag ng suspek na naglalaman ng transaction documents at pera na nagkakahalagang ₱42,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Qualified Theft.