Nagbabala ang Commission on Elections na ‘grounds for disqualificaiton’ ang pangangampanya simula bukas, Huwebes Santo – hanggang Biyernes Santo.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, may resolusyon ang tanggapan hinggil sa umiiral na batas sa campaign ban sa tinatawag nilang ‘quiet period’.
Paliwanag ng poll body chief, election offense ang pangangampanya tuwing Maundy Thursday at Good Friday.
Pakusap nito, sa mga kandidato, sana naman daw ay sumunod na ang mga ito lalo na’t dalawang araw lang naman silang hindi makakapangampanya.

Dapat aniya ay mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataon na ma-observe nang maayos ang Semana Santa.
Giit ni Garcia, sana raw ay gamitin itong pagkakataon ng mga pulitiko para sila ay makapagnilay-nilay.
Ang sino mang mapatutunayang lalabag dito ay maaaring makulong ng hanggang sa anim na taon, ma-disqualify, at matanggalan ng karapatang maupo sa puwesto at makaboto.
#