Ipamamahagi na ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines at iba pang automated election system (AES) supplies sa iba’t-ibang bahagi sa bansa simula ngayong araw.
Ayon kay poll spokesperson James Jimenez, ang AES supplies ay idi-dispatch papunta sa mga transportation warehouses na tinukoy bilang transit points.
Dagdag ni Jimenez, magtutuloy-tuloy ang delivery papunta sa mga transportation warehouses hanggang sa unang dalawang linggo ng Abril.

Kaugnay nito, inimbitahan ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan ang mga political parties, stakeholders, at media na dumalo sa sealing ng mga trucks na maghahatid sa AES supplies.