Tiniyak ng Department of Health na mababa ang transmission ng avian flu virus mula sa mga ibon papunta sa mga tao.
Ang pahayag ng DOH ay matapos kumpirmahin ng Department of Agriculture (DA) ang outbreaks ng avian influenza H5N1 sa ilang mga lugar.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang outbreak ay hindi nagpi-present ng major public health concern sa ngayon.
Sa gitna nito, hinimok parin ni Vergeire ang publiko na gumawa ng precautionary measures.

Binigyang diin rin nito na bilang ang avian flu ay isang respiratory infection, ang kasalukuyang minimum public health standards laban sa COVID-19, ay epektibo rin laban sa naturang sakit.
Kaugnay nito, inaabisuhan rin ang publiko na umiwas muna sa paglapit sa mga wild birds, sa mga ibong may sakit o sa mga tao na naging close contact ng mga ibon o mga fowls ng mga may sakit.