CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Commission on Elections sa mga kumandidato sa katatapos lang na May 2022 National and Local Elections hinggil sa kanilang responsibilidad na maghain ng statement of contribution and expenditures o SOCE nanalo man o matalo.
Sa bayan ng Basud at sa iba pang mga opisina ng Comelec sa lalawigan ay inumpisahan na ang pagpapadala ng advisory letter na ipapa- receive sa mga kumandidato.
Ayon kay Election IV Virgilio Veras, kailangang maghain ng SOCE ang mga kumandidato sa loob ng tatlumpung araw pagkatapos ng eleksyon.
Ang deadline ng pagsusumite ay sa June 8 alinsunod sa Section 14 ng Republic Act 7166 o Omninus Election Code.
Kapag hindi nakapaghain hanggang s anabangiit na petsa ay pagmumultahin ang kandidato.
Ang nanalong kandidato ay hindi hindi maaaring mag- assume ng office hangga’t hindi nakakapaghain ng SOCE.
Mayroon umanong nakatalagang departamento ang Comelec na susuri sa mga isusumiteng SOCE.
“Anytime within the thirty days period nga ay pwede silang mag- file at hindi na siya kinakailangan na maghintay pa ng deadline at baka makalimot June 9 ay may penalty yan na pwede silang kaharapin,” ani Veras.
“Kaya’t ang aming tanggapan para masabi naman nila na tayo ay medyo ano sa kanila concern, kahit mga natalo kinakailangang mag- submit sa aming tanggapan ng kanilang statement of contribution and expenditures.”
