Planong 20 pesos/kilo ng bigas, di pa posible-Albay 2nd Rep. Salceda

LEGAZPI-Hindi pa umano kaya ng pilipinas na gawing 20 pesos per kilo ang bigas.

Ito ang naging pahayag ni Albay 2nd District Representative Congressman Joey Sarte Salceda.

Kanyang sinabi, na ang plano ng presumptive president Ferdinand Bong Bong Marcos ang malabo pang mangyari sa pilipinas.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Mangyayari lamang umano ito kung walang buwis at bumili sa Vietman ngunit isasakripisyo ang aabot sa 3.4 million na magsasaka ng bansa.

Aniya, sa tingin nya “misquoted” lamang umano si Marcos.

Kung matatandaan, sa unang pahayag ni Marcos,  titiyakin niya na magkakaroon ng mababang presyo ng bigas sakaling palarin syang mailuklok sa pagka-pangulo.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Anya, isa ito sa pangunahin niyang layunin, ay tiyakin na hindi na aabot sa P40 pataas ang presyo ng bigas kada kilo nito, bagkus ay sisikapin niya na ibaba mula P20 hanggang P30 ang kada kilo nito.