Comelec inaasahan na ang pagdagsa ng mga maghahain ng COC sa unang araw pa lang ng filing period para sa BSKE

CAMARINES NORTE – Inaasahan na ng Commission on Elections ang pagdagsa ng mga maghahain ng Certificate of Candidacy sa unang araw pa lang ng filing period na magsisimula ngayong Lunes, August 28 na tatagal hanggang September 2.

Bukod kasi sa halos isang linggo lang ang panahon ng paghahain ng COC ay mas marami ang kailangang i- accommodate kapag Barangay at Sangguniang Kabataan Elections

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes ng Comelec  Basud, First-come first-served basis ang pag accommodate nila sa mga maghahain ng COC.

Kung kakailanganing mag- extend ng kaunting oras ay nakahanda naman daw ang Comelec para dito basta nasa premise ng opisina ang maghahain ng COC pagpatak ng alas 5 ng hapon.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kaugnay nito ay muling nagpaalala si Abanes sa mga dapat gawin upang hindi maabala at gumugol ng maraming oras sa paghahain ng COC.