Discount sa bayarin sa kuryente ng PWD’s pinag- uusapan pa

CAMARINES NORTE – Inihayag ng Camarines Norte Electric Cooperative na hindi pa makakatanggap ng discount sa kanilang bayarin sa kuryente ang Persons with disabilities (PWD’s).

Ayon kay General Manager Zandro Gestiada hindi pa napag usapan sa kanilang naging Pre- AGMA discussion ang hinggil sa bagay na ito.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Sa ngayon umano ay ang 5 % discount sa mga kwalipikadong senior citizen ang mayroon at nag- iikot ang Canoreco sa mga barangay upang maka- avail nito  ang mga senior citizen na pasok sa criteria.

Pero ang sa PWD’s ay nagpapatuloy pa aniya ang deliberasyon sa kongreso hinggil sa pagbibigay ng discount.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sinabi ito ni Gestiada sa isinagawang Annual General membership Assembly noong Sabado sa Camarines Norte State College covered court.

Ito ay makaraang matanong ang tungkol sa discount sa open forum na bahagi ng programa.