KORONADAL CITY- BAGAMAT holiday dahil sa selebrasyon ng National Heroes Day, bukas ang mga local Comelec Offices sa lalawigan ng South Cotabato ngayong araw sa pagtanggap ng mga Certificate of Candidacy o COC ng mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections.
Inihayag ni South Cotabato Provincial Election Supervisor Atty. Jay Gerada na handa ang mga municipal at city Comelec offices sa pagdagsa ng mga maghahain ng kandidatura sa unang araw ng filing ngayong Agosto 28 dahil sa paniniwala na swerte ang petsang may numero 8.
Ngunit ayon kay Gerada na hanggang sa September 2 pa ang filing ng COC.
Bukas ang mga Comelec Offices alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Samantala, inihayag ng opisyal na maaari pa ring maghain ng COC ang mga may kinakaharap na kaso na hindi pa napapatawan ng final judgement .
Ang pending case ang kailangang ideklara sa COC.
