KORONADAL CITY- NAMAHAGI ng mga biik ang Department of Agriculture o DA Region 12 sa 33 mga hog raisers sa bayan ng Surallah, South Cotabato na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF noong nakaraang taon.
Ito ay sa ilalim ng Integrated National Swine Production Initiatives for Recovery and Expansion o INSPIRE Program.
Kabilang sa ipinamahagi ng DA 12 ang 99 na mga sentinel pigs, feeds at mga veterinary drugs.
Ito ay para sa mga benepisyaryo sa Barangay Naci, Duengas, Lamian at Barangay Colongulo.
Ang mga sentinel pigs ay isasailalim sa 40 araw na clinical trial period upang masuri kung may presensya pa ng ASF sa naturang mga lugar.
