Tiniyak ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na handa na ang lahat ng mga election offices sa buong bansa para tumanggap ng certificate of candidacy para sa mga kakandidatong councilors hanggang senador para sa 2025 Midterm Election.
Sa pulong balitaan kaninang umaga, sinabi ni Garcia na sa darating na filling ng COC, may mga tanggapan ng COMELEC ang inilipat ang lugar para ma-accommodate ang mga kandidato dahil maliit ang mga opisina nito.
Paalala ng COMELEC, dapat kumpleto na ang mga dokumento ng isang kandidato para posibleng abutin lamang ng hanggang lamang minuto ang paghahain ng COC.
Bagama’t hinimok ng COMELEC ang responsableng paghahain ng COC, inamin ni Garcia na hindi nila kayang pigilan ang iba’t ibang pakulo ng mga kandidato at mga taga suporta nito sa paghahain ng COC.
Binigyang diin naman ni Garcia na wala nang ekstensyon ang pagpaparehistro para maging botante na tatagal na lamang hanggang September 30.