COMELEC-Catanduanes, idadaan sa tamang proseso ang pagsasagawa ng ‘oplan baklas’

BNFM BICOL—“Strike but hear them first.” Iyan ang binigyang diin at disposisyon ni Catanduanes Acting Provincial Election Supervisor- Atty. Alberto Cañares III, hinggil sa pagsasagawa ng “Oplan Baklas” sa islang probinsya.

Ayon kay Cañares, paiiralin ng kanilang hanay ang tamang proseso sa pagsasagawa ng naturang hakbang kung saan magpapadala muna sila ng sulat at hihingi ng pahintulot sa mga kandidato at supporters bago baklasin ang campaign materials na may paglabag sa Fair Election Act gaya ng “oversizing” at paglagay sa mga ito sa mga hindi naman designadong lugar.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa pamamagitan aniya nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato at supporters na magpaliwanag bago magde-desisyon ang COMELEC-Catanduanes sa gagawing aksyon na mag de-depende sa sitwasyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa huli, siniguro ng opisyal na hindi mangyayari sa islang lalawigan ang mga napapabalitang paglabag umano ng komisyon sa pagsasagawa ng ‘Oplan Baklas” sa ibang bahagi ng bansa na umani ng negatibong puna at batikos mula sa publiko.###