48 taon ng pag-iral ng  Canoreco inalala ng pamunuan nito

CAMARINES NORTE – Inalala ng pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative ang mahigit apat na dekada ng pag-iral nito at pagbibigay serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ngayong Oktubre ay ipinagdiriwang ng Canoreco ang ika- 40 taon ng pagkatatag nito.

Sa isang pahayag inalala ng Canoreco ang panahaon na tinanggap ng National Electrification Administration (NEA) ang pagpaparehistro ng bagong tatag na electric cooperative (EC) sa Camarines Norte noong October 23, 1975.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Nagsimula ang programang elektripikasyon sa lalawigan noong isinabatas ang Republic Act No. 6038 noong 1969 na pinalitan ng Presidential Decree (PD) No. 269 noong 1973.

Ang mga batas na ito ang bumuo sa NEA at sa mga Electric Cooperative (EC) sa buong Pilipinas na may mandatong pailawan ang buong bansa mula sa mga lungsod hanggang sa kasuluksulukang mga sitio upang maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nagsimula ang CANORECO noon sa 5,782 Consumer na ngayon, may 127,609 Member Consumer Owner (MCO) na ang kooperatiba na may 139,289 consumer connection.