Inaprubahan na ng Comelec ang hiling ng Department of Transportation (DOTR) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan ng exemption ang pamamahagi ng fuel subsidy program at iba pang programa sa public transportation sa spending ban kontra vote buying.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi na nito patatagalin dahil malaking tulong ito para sa mga namamasada sa mga pampublikong transportasyon.
Kasama sa makikinabang ang mga modern jeepney at modern UVE na may P10K ayuda; at tulong-pinansyal na P6,500 sa mga traditional jeepney, traditional UVE, at bus at maging ang mini bus.
Habang P1,200 ang ibibigay sa mga delivery services at P1K naman ang ipapamahagi para sa mga tricycles.