Panibagong road rage incident sa Baguio City, inimbestigahan na ng mga awtoridad

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa panibagong road rage incidents sa tapat ng Baguio City Cathedral.

Katulad ng mga nakaraang isyu sa road rage incident na nag viral sa social media may panibagong away kalsada na na-videohan din ng isang concern citizen.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Makikita video ang pakikipag patintero sa patalim ng taxi driver sa nakaalitan niyang motorista sa kalsada.

Ayon sa Pulisya, may binusinahang pasahero ang taxi driver nang harangin siya ng puting sasakyan.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Kwento ng taxi driver nagkasagutan sila ng driver ng puting sasakyan dahil sa panggigitgit nito.

Sa ngayon, inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng driver ng puting sasakyan at tinitingnan pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng insidente.