Comelec, bina- validate pa ang listahan ng areas of concern na ipinasa ng PNP- PRO 4B

Isinasailalim pa sa balidasyon ng COMELEC ang mga lugar na posibleng mapa-sailalim sa areas of concern sa lalawigan ng Palawan.

Ayon kay PCapt. Clyde Kalyawen ng PRO 4B, sa ngayon ay bina- validate pa ng commission on election ang kabuuang PNP list ng areas of concern na ipinasa nila.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ang mga lugar na isinasailalim sa areas of concern ay ang mga lugar na may mga naitalang insidente ng karahasan, may matinding tunggalian sa pulitika at may presensiya ng mga private armed group na maghasik ng kaguluhan .

“Areas may be tagged as green for those generally considered peaceful, yellow for areas with previous election-related incidents. Orange areas have had previous election-related incidents and face threats by armed groups, and red for those with a history of violence.  Those classified as red may be put under COMELEC control.”- PCapt. Clyde Kalyawen

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kabila nito, inihayag ng PRO 4B na sa buong rehiyon ng MIMAROPA ay wala pang naitatalang kagulohan o krimen na may kinalaman sa nalalapit na halalan.