COMELEC: Bamban Mayor Alice Guo maaaring tumakbo sa 2025

Giniit ng Commission on Elections na kuwalipikado pa ring tumakbo sa 2025 Midterm Elections si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, hindi maaaring pagbawalan ang isang lokal na opisyal na tumakbo sa halalan hangga’t walang pinal na hatol ang korte.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ayon pa kay Garcia kapag na-suspende ang isang opisyal hindi ito final conviction o judgement sa isang kaso.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Nauna nang inirekomenda ng DILG sa Office of Ombudsman ang pagsuspinde kay Guo dahil sa posibleng pagkakasangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa kanyang bayan.