Nakatakdang gumawa ng ordinansa ang Metro Manila Council laban sa mga spaghetti wiring o yung buhol-buhol na mga kable na nakasabit sa mga kalsada na pinangangambahang pagsimulan ng sunog.
Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, napag-usapan na ito sa MMC at napagkasunduan ng mga alkalde na makipag-ugnayan sa iba’t-ibang telecommunications company.
Samantala, magsasagawa naman ng inspeksyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga spaghetti wiring sa Metro Manila para matiyak na walang mga open wire na maaring pagsimulan ng sunog.