COMELEC-Albay, pinaghahandaan na ang pagsisimula ng campaign period para sa mga lokal na kandidato ngayong May 2022 election

BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Provincial Election Supervisor – Atty. Calixto Aquino Jr,. na kasalukuyan nang pinaghahandaan ng kanilang tanggapan ang nalalapit na pagsasagawa ng mga proclamation rallies ng mga local candidates ngayong May 2022 election.

Ayon kay Aquino, nakatakda silang maglatag ng plano para sa ipasusunod na sistema ng mga rallies ng mga kandidato sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Tiniyak rin ng opisyal na istrikto umanong imo-monitor ng Provincial COMELEC Campaign Committee ang campaign activities ng mga tatakbo para sa provincial positions habang ang Municipal at City Campaign Committee naman ang tututok para sa mga lungsod at bayan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Paalala ng COMELEC-Albay sa mga  kandidato, kumuha muna sakanila ng permit bago magsagawa ng anumang rallies, miting de avance at iba pang uri ng mga aktibidad sa pangangampanya.###