Ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec) na nasa 393 YouTube channels na ng mga political candidates para sa May 9 national at local elections, ang naberipika na.
Ayon sa Comelec, ang lahat ng official candidates, party-list groups at political parties na nagsumite ng kanilang YouTube channel sa poll body, ay mayroon nang verified badge.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10730, na inamyendahan ng Resolution No. 10748, nakasaad na ang mga websites at iba pang social media platforms na ginagamit para sa endorsement ay kailangang irehistro sa ahensya.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ang verification ng mga accounts, ay hakbang tungo sa pagtitiyak sa availability ng trusted at credible sources ng mga impormasyon para sa publiko, na mahalagang bahagi sa laban kontra sa disinformation.