Collaboration ni Bruno Mars at Rose – ikinatuwa ng mga fans

Collab of the year ang sigaw ng mga fans nina BlackPink member Rose at Filipino-American singer Bruno Mars matapos i-release nitong Biyernes ang kanilang song collaboration na APT.

Read More:  Klarisse de Guzman mourns the loss of her mother, Esnobie

Ang naturang collaboration ay bahagi ng anticipated debut album ni Rose na ilalabas sa December 6.

Bago ito nag-trend ang dalawang super star sa kanilang playful na sagutan sa Instagram na teaser pala para sa kanilang kanta. Sa isang press release ipinaliwanag ni Rose ang inspirasyon sa likod ng APT. Sinabi niya na ito ang  isa sa kaniyang favorite Korean drinking game.

Read More:  Maricel Soriano, Maris Racal and McCoy De Leon bag top acting honors at 74th FAMAS Awards

Ang APT ay nagtatampok ng vintage pop-rock sound na may catchy lyrics.