Cold Examination Facility in Agriculture itatayo sa Subic Bay

Magtatayo ng Cold Examination Facility in Agriculture sa Subic Bay Metropolitan Authority.

Dito umano susuriin ang mga fresh at frozen agri-fishery cargoes na papasok sa bansa.

Sa kabuuan ay mayroong limang katulad na pasilidad ang itatayo sa bansa at kauna-unahan ang sa Subic Bay na nagkakahalaga ng 509.5 million pesos.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kaugnay nito ay lumagda na sa Memorandum of Agreement ang pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority at ang Department of Agriculture.

Ayon kay SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma, magpapalakas rin ito sa industrial at commercial activities sa Freeport.

Ang proyektong ito ay sumusuporta sa layunin ng gobyerno na mapalakas ang food and safety regulatory system sa bansa para maprotektahan ang kalusugan ng mga consumer.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, ayon kay DA Sec. William Dar, ito ay itatayo sa 2,000 square meter area sa may San Bernardino Road malapit sa Subic New Container Terminal at inaasahang matatapos ang paggawa sa loob ng walong buwan kapag nasimulan na ang konstruksyon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: SBMA Media Production

May be an image of text that says 'Power Fact Analysis In one day, adult lungs move about 10,000 litres of air. Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! Û. www.powercells.ph'