CAMARINES NORTE – Maaari nang kumuha ng form ng Certificate of Candidacy (COC) sa mga opisina ng Commission on Elections ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, namimigay na sila ng mga form kapag may may mga kakandidatong nanghihingi na sa kanilang opisina pero maaari din naman umano itong ipa- photo copy o ma- download sa kanilang official website.
Bagamat tatlong kopya lang ng COC ang hinihingi ng Comelec, nag abiso si Abanes na gawin itong anim.
Sa anim na kopya ay isang documentary stamp lang ang kailangan at ilalagay ito sa pinaka unang kopya habang sa mga sumunod na kopya ay ang serial number na lang.
Palala ni Abanes na siguruhing maayos ang pagka- fill up ng form at dapat ay kumpleto ito.
Pwede rin umanong ipa- check muna sa Comelec ang pinilapang COC form bago ipa notaryo para masigurong tama at maayos ang pagkaka- fill- up.
Dagdag pa ni Abanes na siguruhing tama ang pipilapang form batay sa posisyong inaaplayan o tinatakbuhan.
Ang filing ng COC para sa Barangay at SK Elections ay mula sa August 28 hanggang September 2.
