SSS target ang full digitalization sa hinaharap

CAMARINES NORTE – Target ng Social Security System (SSS) na maging fully digitalized na paghahatid ng serbisyo.

Ayon kay SSS Vice President for Luzon Bicol Division Elenita Samblero darating ang araw na wala nang mahabang pila sa kanilang mga opisina dahil online na ang mga transaksyon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ngayon umano ay halos online na lahat ang mga serbisyo ng SSS maliban sa pagpa- file ng death benefit na kailangang gawin sa opisina.

Pero ang pagpa- file ng loan, funeral, sickness, maternity, disability, pension loans at unemployment benefits ay online na lahat.

Wala na rin umano dapat coding sa mga transaksyon sa SSS.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mababatid na noon pang 2022 ay nasa top priority ng ahensiya ang digitalized na pagbibigay ng serbisyo. Sa ngayon ang ilan sa mga online services nila ay ang MY.SSS PORTAL, SSS MOBILE APP, TEXT-SSS, uSSSap Tayo Portal, aTSelf-service Express Terminals.