CNWD at Primewater ipapatupad na ang dagdag na singil sa tubig sa Hunyo

CAMARINES NORTE- Ipapatupad na ng Primewater at Camarines Norte Water District ang dagdag na singil sa tubig.

Nitong Huwebes, May 26, 2022 ay natanggap na ng LGU Daet ang abiso hinggil sa bagong taripa sa tubig na agad naman ipinaalam sa publiko sa pamamagitan ng post sa facebook.

Ayon dito, ang water rate ay tataas ng 20 porsiento simula sa Hunyo 2022 sa bisa ng CNWD Resolution No 11 series of 2022.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Ang panibagong rate na ito ay magsisimulang ilapat sa konsumo ng buong buwan ng Mayo.

Matatandaan na humirit ang Primewater ng pagtaas sa taripa sa tubig noon pang 2020 sa National Water Resources Board (NWRB) .

Paliwanag noon ni Muroda sa mga serye ng interbyu at pagharap sa Sangguniang Panlalawigan na walang nilalabag na proseso ang Primewater dahil nakapaloob umano ito sa Joint Venture Agreement (JVA).

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa ilalim umano ng kasunduan ay pwedeng magtaas ng taripa sa tubig sa ika- apat na taon ng JVA kung maaprobahan ng NWRB.

Bukod dito, hindi lang naman aniya ito basta pagtaas ng taripa dahil mayroon itong kaakibat na development aspect.