CAMARINES NORTE-Naging matagumpay ang bike for a cause at paglulunsad ng OFW Desk sa kabila ng malakas na ulan nitong sabado, alas 7:00 ng umaga Nobyembre 20, 2021 sa Central Plaza COmplez, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte.
Ang akbitibidad ay isang programa ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) na tinaguriang “Padyak ng Pagkalinga para sa mga Bata at ang Paglulunsad ng OFW Desk kaugnay sa ika-29 na selebrasyon ng National Children’s Month
Ang nabanggit na proyekto ay pinasimulan ng Provincial Community Affairs and Development Unit sa pamumuno ni PLTCOL ROGELYN C PERATERO, Chief PCAD na may layuning lumikha ng kamalayan at turuan ang komunidad sa mga aspeto ng pag-iwas sa krimen at pagbibigay protekyon sa mga kababaihan at kabataan
Layon din nito na makapag-ipon ng pondo na gagamitin para sa mga isasagawang mga programa at proyekto ng CNPPO katulad ng Project VIBES o Virtual Bisita Eskwela, Project AKAP o Alay sa Kabataan ng Pulis, Juana May Laban Ka at ang Community White Area Operations (CWAO) at Retooled Community Support Programs (RCSP) ng PNP.
Matapos ang ginanap na Bikecade ay inilunsad ang OFW Desk bilang ikalawang parte ng programa sa pamamagitan ng pambungad na pananalita na ibinigay ni PLTCOL HONESTO A GARON, Deputy Provincial Director for Operations ng CNPPO. Sinundan ito ng pagtalakay ng pangkalahatang-ideya at pagpapakilala ng mga nakatalagang pulis sa bawat Municipal Police Stations patungkol sa OFW Desk na ibinigay ni PLTCOL PERATERO. Isang mensahe naman ang ibinigay ni PLTCOL EUSEBIO ARTURO E ESTOPARE, Deputy Provincial Director for Administration bilang pagkilala at pagpapasalamat sa mga nakidalo at suporta sa nasabing matagumpay na gawain. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta ang isang civilian biker na si Mr. Anthony Devino na mula sa United States of America na isa sa miyembro ng FNKN Advocacy Support Group
Ang highlight naman ng programa ay ang Raffle Draw na kung saan nakatanggap ng iba’t ibang biking accessories para sa consolation prizes ang mga masiswerteng nabunot at tatlong premium mountain bikes bilang major prizes para sa tatlong pinaka maswerteng nabunot.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga kapulisan ng CNPPO sa pamumuno ni PCOL JULIUS D GUADAMOR, Provincial Director sa suportang ipinamalas ng mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups at Force Multipliers pati na ang iba pang mga law enforcement agencies sa patuloy na suporta sa mga proyekto at programa ng Pulis Bantayog.
