Close game vs San Sebastian, ‘wake-up call’ para sa Letran sa kabila na panalo – coach

Binigyang diin ni Colegio de San Juan de Letran head coach Bonnie Tan na ang kanilang latest game laban sa San Sebastian College-Recoletos, ay dapat magsilbi bilang wake-up call, sa kabila ng kanilang pagkapanalo.

Ang Knights ay nagawang makatayo ng lead na 15 sa kanilang 63-48, sa unang bahagi ng fourth quarter, pero sa late-game scramble nagawa pang halos makadikit ng kalabang koponan sa 72-69.

Pero dahil nahati ni Jeo Ambohot ang kanyang freebies, habang ang offensive rebound nito ang komompleto sa panalo sa 73-69 para sa Letran, dahilan para maitala ang 8-0 para sa semifinal berth.

Sa kabila nito, hindi masaya si Tan lalo na sa paraan ng kanilang paglaro sa payoff period.

Inamin nito na labis silang nahirapan sa fourth quarter.//MHEL PACIA-TRINIDAD