40 bansa, magpupulong sa Germany para sa pagpapalakas sa depensa ng Ukraine

Nagsasagawa ng emergency talks ang 40 bansa sa Germany para palakasin ang depensa ng Ukraine, na pinaniniwalaan ng US Pentagon chief na maaring manalo laban sa Russia, kung mabibigyan ng mga kaukulang pamamaraan at suporta.

Ang pulong na ipinatawag ng US sa kanilang Ramstein air base sa southwestern Germany ay nakatutok sa pag-gawa ng mga bagay na makakakuha ng karagdagang capability at capacity para sa Ukrainian forces.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Samantala, bago pa man ang pulong, nagbigay na ng go signal ang Germany na handa silang payagan ang deliveries ng mga tangke papuntang Ukraine, na magiging major switch sa cautious policy vis-a-vis defense equipment supply ng Berlin para sa Kyiv.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Una nito, hinihirit ng Kyiv ang heavy artillery at mga tangke para malabanan ang Russian forces na nagtatangkang makuha ang buong kontrol ng kanilang malawak na southern plains at ang eastern region ng Donbas. //MHEL PACIA-TRINIDAD