Classroom supplies sa ilang paaralan sa Camalig, Albay, ipapamahagi ng LGU

LEGAZPI CITY – Kumpirmado mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay sa pangunguna ni Mayor Caloy Baldo, na mamamahagi sila ng classroom supplies sa Camalig North at South District Schools sa ilalim ng inilaang pondo mula sa Special Education Fund (SEF).

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Ilan umano sa mga kagamitang ipapamahagi ng LGU ay mga upuan, chalkboards, at iba pang mga kagamitan.

Ang tulong-pinasyal para sa nasabing mga paaralan ay popondohan ng SEF, o ito ang karagdagang 1% tax sa real property na inilaan ng LGU upang pondohan ang pangunahing pangangailangan ng mga pampublikong paaralan sa bayan.

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Ito umano ay alinsunod din sa pangako ng nasabing pamahakaan tungo sa pagsuporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagsisikap na hubugin ang mga mag-aaral.