PIKON at inis ang nararamdaman umano ni Sean Murphy, 38 anyos, isang security guard sa Doncaster,England sa tuwing nakikita niya ang kulugo sa kamay na limang taon nang hindi nawawala kahit na ano pang klaseng panggagamot ang gawin niya.
Dahil desperado na si Sean, na alisin ang nasabing kulugo sa kanyang daliri, hindi na siya nagdalawang isip na gamitan na ito ng dahas, nag-ipon muna ng lakas ng loob si Sean, uminom siya ng ilang bote ng beer at pinakiramdaman ang sarili, nang mapansin nitong may tama na siya, saka nito kinuha ang isang 12 gauge na shotgun at walang atubiling ikinasa at ipinutok sa kanyang kulugo.
Masaya si Sean sa naging resulta ng kanyang plano ,subalit kasabay ng pagkawala ng kanyang kulugo ay ang pagkawala rin ng lahat ng kanyang mga daliri na dulot ng malakas na pwersa ng shotgun.
Sa kabila nito wala umanong kaso iyon kay Sean , dahil ang mahalaga ay wala na at hindi na niya muling makikita ang nasabing kulugo.
Samantala, may panibagong problema na muling kinaharap si Sean dahil ang baril na ginamit niya ay isa palang nakaw, agad na itinanggi ito ni Sean dahil ito ay kanya lamang umanong napulot malapit sa kanyang trabaho.
Naharap sa anim na buwang pagkakakulong si Sean, dahil sa ipinasa niyang plead of guilty for illegal possession of firearm pero wala din siya ditong pakialam ni sumama ang loob ay hindi niya magawa, dahil para sa kanya ang pinakamahalaga at importanteng nagawa niya ay maresolba ang kanyang problema at yun nga ang matagumpay nitong pag- alis ng kulugo.###CD