NAGA CITY – Pinalawig pa ang class suspension sa Naga City matapos ang Bagyong Kristine, marami kasing mga paaralan ang hindi pa handa sa pagbabalik ng eskwela. Ito ang nakapalaman sa memorandum ang alkalde.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Nelson Legacion, binanggit nito na tuloy-tuloy ang clearing operations pero kailangan din ikonsidera ang psychological aspects ng guro at ng mga mag-aaral Nagueño man o residente sa mga kalapit bayan. Nobyembre 11, pinapayagan na ang resumption ng klase, dedepende pa ito sa sitwasyon ng paaralan.
Sa Camarines Sur National High School main campus sa Barangay Peñafrancia, Naga City makapal na putik ang naiwan, lagpas tao ang tubig-baha na nagresulta sa pagkabasa at pagkasira ng mga gamit sa mga opisina at classrooms.
Ayon kay Principal Dr. Sulpicio Alferez III, tumulong na ang truck ng Sorsogon sa paglilinis pero magdadalawang linggo hindi pa nila kayang ubusing linisin ang buong main campus.
Sa pagbabalik ng klase, magkakaroon muna ng kumustahan sa mga estudyante at guro upang mailabas din ang kanilang bigat na nararamdaman matapos ang bagyo. Titinggan kung kaya na bang makapagturo o mag-aral muli matapos ang nakaka traumang karanasan.