Tropical Storm Marce, nakapasok na sa loob ng PAR

Nakapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Marce na may international name na Yinxing.

Huli itong namataan sa layong 935km East ng Eastern Visayas na may lakas ng hangin na aabot sa 65km/h malapit sa gitna at pagbugso na 80km/h.

Kumikolos ito pa-West Northwest ward sa bilis na 25km/h.

Read More:  Malacañang denies Sara Duterte’s Laos travel authority; Ramon Tulfo apologizes

Ayon sa PAGASA, wala pang epekto ngayon ang bagyo sa anumang bahagi bansa ngunit pagdating ng Martes asahan na mas lalakas pa ito at magiging isa na ng Severe Tropical Storm habang nasa Silangan ng Aurora.

Sa Martes din ng hapon unti-unti nang mararamdaman ang mga pag-ulan sa Extreme Northern Luzon at eastern section ng Luzon habang posible namang itaas ang signal number one hanggang signal number four sa bahagi ng Batanes at Cagayan.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Samantala, asahan na ang maaliwalas na panahon sa halos malaking bahagi ng bansa ngayong araw pero posible pa rin ang bahagyang pag-ulan dulot ng localized thunderstorm.