Pamahalaan, bubuo ng roadmap para sa mga MSME

Inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na bubuo ang pamahalaan ng Micro Small and Medium Enterprises o MSME Development Plan 2023-2028.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na Presidential Awards for Outstanding MSME 2024, sinabi ni Pangulong Marcos na ito ang magsisilbing roadmap upang higit na mapabuti ang business environment, kasanayan at innovation ng mga negosyante at mapalawak ang access nila sa merkado.

Isasakatuparan anya ang naturang plano sa pamamagitan ng isang Executive Order na magtatakda ng mga partikular na tungkulin at magbabalangkas ng mga pamamaraan at aktibidad para sa lahat ng sangkot na ahensya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan na ang DTI sa MSME Development Council at sa Office of the President para isapinal ang naturang executive order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *