Civet cat, nailigtas at napakawalan na matapos mahulog sa isang bitag

Pinakawalan na ang isang Philippine Palm Civet o mas kilala sa local name na ‘Garong’ matapos ito mahulog sa isang bitag sa bulubunduking lugar sa lungsod ng Masbate.

Makaraang mailigtas ng isang residente na gumawa ng bitag, itinurn-over naman ito sa MENRO.

Mababatid na ang Civet Cats o ‘Garong’ ay isang ‘endemic species.’

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Kasunod nito, pinanibago ng DENR ang panawagan sa mga residente at mamamayan para sa konserbasyon ng rare o bihirang civet cat na iulat kaagad ang mga krimen at paglabag sa alinmang wildlife dahil ang mga ito at itinuturing nab anta sa ecosystem.

Paliwang ng DENR, ang civet cat ay may mahalagang papel sa ecosystem sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga buto na ibinubuga nito pagkatapos kumain. Ang natural na prosesong ito ay nag-aambag sa pagpapalago ng iba’t-ibang halaman at puno ng prutas sa kagubatan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang wildlife na ito ay naglalabas ng mga buto ng kape na itinuturing na pinakamahal na kape sa mundo.