Nalagpasan ng City of Ilagan ang target population na mabakunahan sa ginanap na 3-Day National Vaccination Drive noong November 29 hanggang December 1,2021.
Ayon sa datos na inilabas ng City of Ilagan Information Office, nasa 17, 214 ang kabuoang target ng lunsod sa nasabing vaccination drive ngunit nalagpasan ito matapos maitala ang 119% o katumbas ng 20,500 individuals ang nabakunhan kontra COVID-19.
Mula sa nasabing bilang ng nabakunahan ay 17,356 rito ang nakatanggap ng kanilang first dose habang 3,144 naman ang nakatanggap ng 2nd Dose.
Nasa 20 na vaccination sites sa nasabing lunsod ang binuksan sa ginanap na vaccination drive kung saan pinangunahan ito ng 23 vaccination teams.
Sa kabuoan ay umabot na sa 93.60% o katumbas ng 101, 849 individuals ang nabakunahan na ng first dose at 57% o katumbas naman ng 62, 026 ang fully vaccinated na.
Magugunitang 70% o katumbas ng 108, 816 ang target population ng lunsod na mabakunahan kontra COVID-19 upang makamit ang herd immunity.