Camarines Sur muling nakapagtala ng kaso ng COVID-19; malalayong komunidad binabalewala na ang virus

NAGA CITY- Muling nakapagtala ng isang kaso ng COVID-19 ang Camarines Sur.

Sa huling tala ng Environment Disaster Management and Emergency Response Office o EDMERO kahapon sinasabing ang bagong kaso ay sa Sta. Cruz Poblacion Bato, hindi alam ang exposure. Ang bilang na ito ay nagdala sa tatlong aktibong kaso ngayon at umabot na sa 17, 000 ang cumulative cases mula 2020.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Jose Ablan, tagapagsalita ng PNP Bato, sinabing hindi sila tumitigil sa pag-iikot upang paalalahan ang publiko na may banta pa rin ng virus. Kasabay ng pag-iikot ay pagbibigay ng facemask sa mga hindi nakasuot nito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Naobserbahan ng nilang karamihan sa mga hindi na nagsusuot ng facemask ay ang malalayong komunidad halimbawa sa Indigenous People Community.

Sa ilang barangay din tila balewala na ang virus dahil normal na ang sitwasyon tulad ng kumpulan at pagkilos ng walang suot na facemask.