Pinaghahandaan na ng City Government ang mga gagawin sakaling maramdaman na ng husto ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa Olongapo.
Ito ay para mabawasan ang tiyak na pahirap sa halos lahat ng sektor kapag nagtaas na rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at ang pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Mayor Lenj Paulino, nag-uusap na ngayon ang mga elected officials at mga department head ng city government para humanap ng alternatibong paraan sakaling lumala ang sitwasyon.
Siniguro naman ni Paulino na hindi kabilang dito ang tulong pinansyal at iba pang uri ng ayuda na maaring pakinabangan sa loob lamang ng ilang araw.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
