PH embassy sa Russia, nanawagan sa mga Pinoy na umiwas sa mga protesta

Pinayuhan ng embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy sa Moscow na umiwas sa mga kilos-protesta na ginagawa doon sa gitna ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa embahada, dapat sumunod ang mga Pinoy sa inilabas na panuntuhan ng Russia at iwasan muna ang pagbiyahe sa South-west na bahagi ng bansa partikular sa mga malalapit sa borer ng Ukraine.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Iginiit ng Embahada na maliban sa pag-iwas sa mga protesta, dapat ding iwasan ng mga Pinoy ang mag-post ng tungkol sa tensyon dahil sa pagbabawal ng gobyerno ng Russia.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Sa kabila nito, tiniyak ng embahada sa Moscow na wala namang direktang banta sa mga Pinoy doon pero mas mabuti na ang nag-iingat.

Samantala, nanawagan din ang embahada sa Moscow sa mga employer ng mga Pinoy na hayaan ang mga ito na umalis sa mga conflict zone o isama sakaling kailangan nilang lumikas