City Agriculture Office nagpaalala sa mga negosyante na nagdedeliver ng produktong kumpletuhin ang dokumento

Nagpaalala ang City Agriculture Office sa mga negosyante na nagdedeliver ng mga produkto sa palengke katulad ng isda na kumpletuhin ang mga papeles tulad ng auxiliary invoice, iba pa at pagsunod rin sa health protocols.

Ito ay matapos na kaninang madaling araw ay may ilang sasakyan na magdedeliver ng isda ang sinita ng pamunuan at mga otoridad dahil wala umanong kaukulang dokumento.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Binigyan ng warning ng City Agriculture ang mga ito na nagmula umano sa Navotas, Pampanga at Bataan.

Pinayagan munang maibaba ang mga produkto sa mga negosyante sa palengke pero nagbabala ang City Agriculture, sa susunod ay hindi na ito papayagan kung walang kaukulang dokumento mula sa DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, tanging isda lamang ang pinayagang maideliver kaninang umaga dahil ang mga frozen na pusit ay hindi pinayagang maibaba.

Paalala ng pamunuan na sumunod sa mga patakaran para maiwasan ring maabala.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'SHOP NOW! Lazada Keeping your Immune System Strong must also be your Priority. GUARD-C c take as your Vitamin 100 Capsules ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C 500mgCapse Capsule VITAMIN www.a- ASCORBIC ACID GUARD-C'