Nagpapatuloy ang paghahanap kay Atty. Harry Roque.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group Spokesperson Lt. Col. Imelda Reyes, may hawak na silang impormasyon sa kinaroroonan ni Atty. Roque.
Ngunit kanila pa itong beneberipika sa ngayon.
Maganda naman daw ang pagkakalatag ng kanilang tracker team na naghahanap kay Roque.
Nauna nang sinabi ng PNP na wala sa kanyang mga address sa Metro Manila si Roque na na-cite in contempt ng House Quad Committee matapos itong tumanggi na isumite ang mga dokumentong hinihingi sa kanya.
May rin sila sa mga nagkakanlong at tumulong na itago si Roque.
Aniya, sakaling may mapatunayang tumulong kay Roque, posibleng maharap ang mga ito sa kasong obstruction of justice.