Naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang kapatid ng dating presidential economic adviser na si Michael Yang.
Dinakip ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) si Yang Jian Xin, na kilala rin bilang Tony Yang, dahil sa pagiging undesirable alien.
Ayon kay BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado, kung mapatunayang nagkasala si Yang, mahaharap siya sa deportasyon at blacklisting.
Nginit magaganap lamang ito pag natapos nang malutas ang lahat ng kanyang mga kasong nakabinbin sa Pilipinas.