CICL na may patong-patong na kasong sex crimes, hinainan na ng kanyang ‘order to take custody’

SORSOGON CITY – Nasa kustudiya na ng mga awtoridad ang isang ‘child in conflict with the law’ makaraang hainan ito ng kanyang ‘order to take custody’ sa Sitio Patag, Brgy Calpi, Bulan, Sorsogon.

Ang nasabing menor-de-edad ay nahaharap sa mga kasong sex crimes na kinabibilangan ng rape, na walang itinakdang piyansa; sexual assault na may kinalaman sa RA 7610 o child abuse na may piyansang P200K at attempted rape na may piyansang aabot sa P120K.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Ang ‘order to take custody’ na may petsang Hulyo 16, 2024 ay ipinalabas ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Sa ngayon ay mananatili muna sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD) ang CICL para sa kaukulang disposisyon.